Wednesday, April 23, 2008

Buhay Europa..

7:15 am ngayon dito.

Sabi sa TV, 9°C daw ang temperature ngayong umaga. Maximum na ang 14°C hanggang mamayang gabi.

Di ka pwedeng lumabas ng bahay na dalawang patong lang ang suot. Tinry ko kahapon, naiyak ako sa sobrang lamig. So bumalik ako ng bahay at nagdagdag ng dalawang patong. Di ka masyadong makakagalaw pero at least di ka naginginig sa lamig.

Masarap ang food dito. Binigyan ako ng dad ko ng 5 euros na baon kahapon. Naubos lang sa käse krainer at knabber nossi.

Ang tatangkad ng mga Austrian. Nanliliit ako. Literally. May nakasabay ako sa bus, hanggang bewang lang niya ko. Hindi pa siya naka stand upright nung lagay na yun. No kidding. Kung sa Filipino standards eh considered as abnormally short na ko for my age, pano pa kaya dito? ;p
Artistahin ang mga tao dito. Normal lang sa kanila yun, I guess. Sa atin kasi, pag matangos ka, maputi, at matangkad, more often than not, eh considered as maganda/gwapo ka diba? Halos lahat sila dito ganun.


Mejo nabobore ako pag pumapasok sa work ang parents ko at nasa school si Joshua dahil walang masayadong magawa dito sa bahay. Pwede naman ako manood ng TV pero di ko naiintindihan dahil naka dub sa German halos lahat (except CNN, BBC World at MTV). Pati spongebob squarepants (spongebob schwamkopf ang tawag sa kanya dito which means spongbob sponge head pag tinranslate at ang pangalan ni squidward eh hindi squidward kundi thaddeus..ang weird noh?).

Nakakapag German naman ako pero konti lang. As in konti. Alam ko mag greet ng tao (Grüß gott!); alam ko bumili ng pagkain, alam ko ipakilala sarili ko; alam ko din kung pano sabihing "laging mabilis magturo ang Math teacher ko kaya hindi ko naiintindihan yung lesson".

Madaming Pinoy dito. Kahit san naman madami talaga tayo diba? So hindi na ko masyadong na hohome sick. Eto siguro ang first time na nagpunta ko sa Europe na hindi ako na homesick.

Masaya dito. Di lang dahil malamig, masarap ang food, at nakaktuwang tignan ang mga tao. Masaya dito dahil nandito ang family ko. Sa inyo siguro normal lang na gumising sa umaga at makita ang buong family niyo bago sila pumasok sa work o sa school. Sakin bihira mangyari yun. Paminsan minsan ko lang din naihahatid sa school ang kapatid ko. Kahit di na niya kailangan dahil malaki na siya, gusto ko pa din gawin kasi parang bonding time na din namin yun. Ayoko na bumalik ng Pilipinas. Kung pwede lang eh bakit hindi diba? Kaso bayad na tuition fee ko. Haha. Sayang naman diba? Tsaka one year na lang titiisin ko bago ko magstay dito for good. Konti na lang yun.

For now, enjoy na lang muna ng vacation. I hope you're having a good one, too.

No comments: