Ano sa Tagalog ang Optimistic?
Ang daming kong gustong sabihin. Pero wala akong maisulat. Lately, parang ang gulo ng buhay ko. Ako kasi yung tipo ng tao na lahat ng gusto eh nakukuha. Oo, spoiled ako. Aminado naman ako eh. Ito siguro ang dahilan kung bakit madali akong madisappoint. Mataas kasi ang expectations ko sa maraming bagay. Sa school. Sa bahay. Sa pamilya. Pati nga yata sa sa lovelife. These past few months, parang bumaliktad ang mundo ko. Lahat na lang ng gusto ko, di ko nakukuha. Nakakapanibago. Pero wala naman akong magawa. Ngayon ko lang naranasan 'to, sa totoo lang. So medyo nahihirapan akong mag adjust. Pero unti-unti na kong nasasanay at natututo na hindi lahat ng gusto ko eh madaling kunin o maabot. Minsan, kailangan paghirapan ang mga bagay na gusto mo para pag nakuha mo na 'to, mas may sense of achievement ka. Kahit di ako sanay sa ganito, hindi naman ako yung tipo ng tao na madaling mag give up. Optimistic ako eh. Kahit nagkakanda leche leche na ang buhay ko, ngingiti at ngingiti lang ako dahil naniniwala ako na may pag-asa pa.
No comments:
Post a Comment